Archive for December, 2005

Thursday, December 1st, 2005

Modaportion_5Lubog

Amore*

aminin na nating tapos
na ang mga kabanata
ng pagsuyo -
unti-unting natuyo,
naghingalo,
hanggang sa masaid
at maipinid sa limot
ang lahat ng ito.

mabilis ang paglimot mo.
nakapanghihina ang paghabol
kasabay ng
nakapanghihina ring
pagtangis ko.

takbo, Juan Romantiko, takbo!
iwagayway ang paglaya
sa mundo!
dumako ka kung saan mas malayo
ang nararating ng mga sungay mo’t
maari kang tumayo ng tuwid
gumapang ng hindi nagtatago.

at sandali ako nama’y
mahihimlay, pipikit at guguhit ng
bagong landas na tatahakin ko.

at ng mga bago at mas maiging bersyon
mo -
mas perpektong mga Juan Romantiko.

*mula sa baul ng mga lumang obra, Hunyo 2005
**sana walang kumopya, copyrighted na po ito