Unti-Unti Mo Akong Pinapatay
Wednesday, September 14th, 2005
Olats, tama ba namang may mga naniwala rito’t pinatulan ang drama kong isa na akong malamig at lamog na bangkay? Go.
Marami kasi akong natanggap na mga mensaheng "oh my oh my, dead-on-arrival ka na raw koya, true or false?" False. Bihira ang mga namamatay na nakadilat. Bihira rin ang mga namamatay na namamanage pa rin ang friendster account nila at nakaka-update pa rin ng blog. Tsaka dikta nga ng cliche, "Mahirap mamatay ang masamang damo." O, paglilinaw ulit, para sa mga literal ang isip, hindi ako damo.
Pero nakakatuwang nakakapangilabot ang reaksyon ng mga taga-Brgy. Frendster Zone 6 (sila yung mga hindi mo kilala pero nagpa-add sa list mo at ni minsan ay hindi ka in-email or whatever whatever) sa photoshop work na ‘to. Lord, may nakalagay kayang joke sa baba. Lord, kaw nang bahala sa kanila.
Yun lang, bow.



