Archive for August, 2005
Huwaaaatt?
Thursday, August 18th, 2005ang sumuyo sa mga bituin
upang ika’y sungkitin
at lumikha ng mahahabang panalangin
at mga dasal sintunog ng hangin.
ay galing sa aking paghimbing;
hindi iyon mga hilik o mga hikbi;
bagkus ang mga iyo’y pagsigaw
ng taimtim
tahimik ngunit
nakapandidilim ng paningin
katulad ng libu-libong tunggaliang
sorpresa mo sa akin.
ang bigla mong pagdating
hindi ko man lang naihanda
ang banig
kapag ako ay hihimatayin)
New Icons For My Blog
Thursday, August 18th, 200520 Years of Solitude
Thursday, August 18th, 2005Rendezvous
Monday, August 15th, 2005Yehey
Saturday, August 13th, 2005kung minsan may mga taong mananatili na lang talagang nasa labas na ng sirkulo ng buhay mo. at kailangan/mapipilitan ka na lang tanawin sila mula sa malayo’t kahit ano pang naisin mong abutin, wala ka nang magagawa rito.
hindi ako lasing or whatever, pero naisip ko, kailangan na talagang pakawalan ang mga taong ‘to, kung hindi’y habambuhay kong paparusahan/papahirapan ang sarili ko.
ngunit katulad nga ng cliche na laging sinasabi ng mga kaibigang nagbibigay ng payo, madaling sabihin, mahirap gawin. ay putang ina, sobrang totoo. sana sa madaling araw na ‘to, tuluyan ko nang mapalaya ang sarili ko.
kasabay ng paghalik ng hamog sa pisngi ng sumisibol na umaga, patuloy akong mangangako sa sarili kong lalaya na ako. at sandali, mahihimbing na resolbado; at paggising ay sana, masabi ko na ngang tuluyan/sukdulan na ang paglaya ko.
madaling sabihin ngunit mahirap gawin. putang inang yan, sobrang totoo.
Itago Na Lang Natin Siya Sa Alyas Na Lisa Magpayo
Sunday, August 7th, 2005Limang taon na akong suki sa tindahang iyon. Kapag may dropbox sila ng mga pakontes ng mga pangunahing produkto sa bansa, dun ako maghuhulog. Kapag may dadalhin akong sari-sari store sa isang deserted na isla (kagaya ng mga tanong sa mga walang kwentang magasin), dadalhin ko ang store nila. Maliban kay, ni-hindi ko alam ang pangalan niya, itago na lamang natin siya sa alyas na Lisa Magpayo.
Si Lisa ay isang tipikal na probinsiyanang manang na manang ang dating at hindi moisturized ang mukha. Takot siya sa salitang exfoliate kung kaya’t ganun na lamang ang tekstura ng kanyang mukha. Sa totoo lang, wala akong pakialam sa skin ng mga store tindera/attendants/ manangs. Pero hindi ko na talaga mapigilan ang aking sarili dahil si Lisa Magpayo ay lubhang suplada.
"Pabiling yosi. Gold. Tsaka ng ngiti. Smile naman jan and everythin," bati ko kay Lisa.
As usual, Biyernes Santo na naman ang mukha. Kadalasang deskripsyon sa mukha ng mga kagaya niya eh "mahirap ipinta" pero sa tingin ko hindi bagay yun sa kanya. Kasi madali lang ipinta ang mukha nitong si Lisa: kumuha ka lang ng uling tapos pumikit ka, magdrowing ka ng random circles tapos lagyan mo ng wrinkles sa gitna - aysus ginoo, kuhang-kuha.
Sumagot lang siya ng simangot, ang sarap. Minsan nagtagal ako sa store nila para bantayan kung paano siya umasta sa ibang tao, malay ko diba kung sa akin lang siya suplada. Aba, lahat talaga ng tao eh tinatarayan niya. May ale pa ngang pagkatapos makuha ang sukli eh nag-mouth sa akin ng suplada.
Sobrang bothered lang ako kasi sa loob ng limang taong pagtangkilik ko sa store nila eh nanatili pa rin siyang suplada. Napapaisip tuloy ako, nagahasa kaya siya? O wala siyang childhood? Pinaglihi sa sama ng loob, pinaglihi sa regla. Ayoko talagang magtanim ng sama ng loob sa kanya, kasi hindi ko alam kung ano yung nasa likod nung ganung persona niya.
At yak, hindi ko siya gusto ha. Yak talaga.
Ewan, bukas siguro kapag hindi nakapagtimpi, pag nagsindi ako ng yosi baka sunugin ko na lang yung mukha niya.
Teleserye BETA
Sunday, August 7th, 2005PATIKIM PALANG PO ITO:
"Paano ka naman gaganahang mag update ng blog kung wala ka nang ganang mabuhay?"
"Ha, ano yang mga pinagsasabi mo, ubusin mo na yang pagkain mo, gabi na."
"Nakakasawa na Martha, lahat ginawa mo na, wala pa ring nangyayari!"
Hindi na nakayanan ni Martha ang pagiinarte ni Bert. Iniwan niya itong naghihintay ng sagot sa huli niyang mga winika.
"Martha! Saan ka pupunta?"
Hindi na narinig ni Martha ang sigaw ni Bert.
"Ah waiter, yung bill." Hinalungkat ni Bert ang wallet niya. Wala pala siyang cash na dala.
"Waiter, do you accept cards here?" Tanong ni Bert sa mamang nakatalikod sa kabilang mesa.
Napalingon ang lalaki sa kanya. Ngumiti.
"Sorry pero hindi po ako waiter dito. I own this place."
"You own this place huh." Lumingon sa paligid si Bert. Maganda nga naman ang restong pinasukan nila ni Martha - classy ang dating pero hindi kamahalan ang presyo ng mga pagkain.
"Yes." Nakangiti pa rin ang lalaki, papalapit na kay Bert.
"Oh. I was just wondering…"
"The bill sir? No its ok. Forget about your bill. By the way, im Frank."
"Bert."
"Frank." Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha ng may-aring si Frank kay Bert.
"Bert."
Parang nawawala sa sarili si Bert
"Frank."
Patuloy pa rin ang palitan nila ng kani-kanilang mga pangalang parang mga sinapian.
Biglang dumating si Martha.
"Frank? Is that you." Lumapit siya kay Frank upang matitigan ng mabuti.
Nahimasmasan si Frank. Samantala’y nakatitig pa rin sa kanya si Bert.
"Frank Montenegro dela Sanggre. Tsk. Dito lang pala tayo magkikita."
Napaupo si Martha sa tabi ni Bert, taas-noong nakatingin kay Frank.
"Martha Steward. Oh. The bitch from hell."
"Stop!!! What’s this? You know him? Sandali, ang gulo."
"Bert, oras na para malaman mo ang katotohan."
Tumayo si Martha para duruin si Frank.
"Siya ang tunay mong ama."
Tumigil ang mundo sa mga pagkakataong iyon.
Matapos ang ilang minutong pananahimik at iba pang in between activities, nagsalita na si Bert.
"But NO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
"Yes, Bert, ako ang iyong tunay na ama."
"But I like you."
Nagitla si Martha sa narinig.
"Like him? He is your father. Your biological father. You couldn’t love him."
(itutuloy)
Maikling Kwento: Nababaliw Ka Na Yata
Tuesday, August 2nd, 2005Nakatingin lang siya sa bintana. Tinatangay ng hangin ang usok ng kanyang sigarilyo, hinihigop papalayo.
"Darating na ang ulan. Hindi mo ba naririnig? "
"Wala akong naririnig. At tsaka, matagal nang umuulan, kahapon nga ‘di ba malakas ang ulan. Siya nga pala tinabi ko yung sapatos mo kagabi, baka kasi mabasa."
Humarap siya sa akin. Blangko ang ekspresyon sa mukha.
"Hindi mo naiintindihan. Wala kang maiintindihan."
Muli siyang humarap sa bintana. Humithit ng maraming beses sa sigarilyo. Balisa. Umihip ang malakas na hangin - tuluyang nabuksan ang mga bintana.
"Anong wala akong naiintindihan? Ikaw ang hindi ko maintindihan. Nababaliw ka na yata."
Patuloy lamang siya sa kanyang paninigarilyong nakatalikod sa akin.
"Tatangayin na ako ng ulan."
Iyon ang huling pag-uusap namin. ‘Ni minsan, hindi kami nagkaintindihan. PInaubaya ko na lamang ang lahat sa ulan.
Crazy in Alabama
Tuesday, August 2nd, 20051999 pa siya pinalabas pero ngayon ko lang napanood. Hmmm. Walang TV sa bundok.
I bought a copy of the film Crazy in Alabama @ SM yesterday because it was on sale and, guess what, i also found the book version written by Mark Childress @ Booksale. Ang saya ko. 
Parang hindi masyadong popular ‘tong film na ‘to dahil na lang siguro sa ideyang si banderas ang director, halos di nga yata kumita. pero i found it nice, after finishing the book i checked out the film, ayus lng naman.
nahumaling ako sa mga ganitong Southern stories mula nang mabasa ko yung mga sinulat ni Fannie Flagg na mga libro. In fact, ang paborito kong awtor ay gumanap bilang isang waitress sa pelikulang Crazy in Alabama. astig diba.
mababaw siguro ang pagtingin ng iba sa pelikula pero gusto ko lng yung simpleng paglalahad ng mga tema. wag na kasing gawing kumplikado, yung iba salasalabat ang kwento, ito simple lang, ang bilis.
ito yung paboritong linya ko: "I learned a lot of secrets that summer: you can bury freedom but you
can’t kill it. Taylor Jackson died for freedom. Aunt Lucille had to
kill to get it. Life and death are only temporary but freedom goes on
forever.
"
yun lang, bow.
