Pare!
Sunday, July 31st, 2005oo nga pala, since pahabol portion lang ‘to, kailangan maiksi lang. so eto:
nakakainis.
oo nga pala, since pahabol portion lang ‘to, kailangan maiksi lang. so eto:
nakakainis.
they will suck the hell out of you
and for a while you’re in heaven:
you become an instant angel
with glittered wings
in a stylish Mardi Gras of
asses bumping
and heads shaking
saying, "Tsk. This is kid’s
in love with you pare."
(hahaha, crap)
oh come on, wala yun. im still single, kung nababasa mo ‘to, oo, ikaw, single pa rin ako. syet.
Makaraan ang ilang centimeters na pagtakbo ng taxi ko kanina (mula sa isang ikukuwento-ko-mamaya date), i realized gusto ko ng binatog. Pinara ko ang taxi sa tapat ng shrine ni Jesus Christ sa entrance ng SM at nagkamot na lang siya ng ulo nang mag abot ako ng 25 pesos. Chura nyo manong!
(Binatog is a very sosyal food. In fact it was featured recently by Metro Magazine. Kinakain na nga siya nila Tim Yap at Kris Aquino. )
So mega hagilap ako ng mga napaka hygienic na Binatog stalls along Session Road kanina, pero anakngparents naman o, wala akong makita. Nakakapikon nga yung mga manong na hindi naman Binatog ang tinda at todo pa rin ang imbita sa aking bilhin ang goods nila. Chura nyo manong.
Hanggang sa pinakababang dulo ng Session ay wala akong nahanap. Pati identity ko naquestion ko na, nasan ba kayong mga hampas-lupang pesanteng mga tindero ng Binatog kayo? Ganun ang mga tanong ko (aloud) habang naglalakad. Wala na bang mais sa mundo? (bulong ko na lang sa sarili ko).
Biglang, ting! Sa sakayan ng Bakakeng! Syet na malagket! Yun kasi sakayan namin dati, so atake naman ako sa kota ng mga Binatog. Oo nga pala, doon ang Mecca ng mga Street Food. How could i forget syet. Ganun ang mga iniisip isip ko sa mga sandaling yun.
SO i bought na my favorite sosyal food Binatog. Oh what an experience. Oh what a kwento. Oh sapakin nyo na lang ako.
"Tangkilikin man ng mga hikbi ang pagtutol mo, mananatili akong tagatangkilik ng matatamis mong pangako. Habiin man nating pareho ang pagsasara ng mga kabanatang kasama kitang bumuo - kunwari lang akong desidido. Dahil ang totoo, hindi pa rin ako resolbado."
Deutsche Love Affair
Man, hindi ko talaga akalaing makikilala ko siya. At makakausap, ng matino. Though baluktot ang Ingles niya, ayus pa rin.
Haha. Mala patikim ang post noh? Ayoko na lang magdetalye muna, baka mapurnada. Kung wala nang update tungkol dito in the near future, ibig sabihn, palpak. Newei, wish me luck.
Nakakamiss talaga ang mga nakaraang buwan. Roller coaster ride kung roller coaster ride. Wala lang. Moda lang.
Kausap ko si Pao kanina sa YM at sobrang namiss ko siya. Wala pa ring papantay sa tandem namin nun. At wala pa ring aastig sa mga stints namin. Syempre miss ko rin yun iba. Mayaman lang ako, shet, dito na lang kayong lahat sa Baguio.
Kapag ako naburyong aalis na rin ako sa Baguio. Baka. Siguro.
Kung hindi lang kila Alvin at iba pang nasa Baguio pa rin. Tsk. Haay.
Makatulog na nga lang.
Waaaaaaaaaaaaah. Pagtingin sa relo, 1:00 PM na. Nakakawiling matulog, pero nakakabagot ding gumising, lalo na kung marirealize mong lagpas ka na sa recommended sleeping allowance para sa mga estudyanteng may klase. Parang ayaw mo na lang harapin yung katotohanang hapon na, kakabangon mo pa lang. Na absent ka sa lahat ng mga aktbidad ng mga normal na tao sa mga oras na naghihilik ka’t pabali-baligtad sa kama.
So natulog ulit ako ng 1:30.
Haha. Social commentary daw o.
Ngayon ang araw ng SONA ni Gloria. Ano kaya ang naghihintay sa ating mga Pinoy?
Magresign kaya si Gloria sa mismong SONA niya? Tipong bigla na lang,
"Mga kababayan, ito ang aking 3-point agenda para sa susunod na mga buwan: Una, I quit. Im sick and tired of being your president, and that’s it, I quit. Fuck you Dinky Soliman and company, kala nyo ha. Pangalawa, im gonna start on my South Beach Diet, im sure my daughter Luli would be thrilled to hear this. At pang-huli, tutal ligwak din lang ako sa panunugkulan bilang inyong pangulo, pagtutuunan ko na lang ng pansin ang naantalang sex life namin ni First Gentleman ninyo. Mga mamamayan ng Pilipinas, inaamin ko, gaga ako. Maraming salamat po."
Pero mukhang imposible. Asus, knowing Gloria, kausap ko nga siya kanina, naka unlimited kasi siya. She asked for my smart opinion on what she should wear at the Batasan mamya. Iniisip daw niyang gawing thematic ang SONA this time kasi mukhang huli na niya ‘to. Sabi pa niya, she was advised to use Rejoice para walang sabit [sa impeachment complaint] at para instant-ayos [ang political turmoil na kagagawan niya]. So i told her na magboots siya, yung hanggang knees ng normal na tao para hindi na siya makita. Pero binawi ko rin yun, i realized mas maganda kung payuhan ko siyang huwag na lang sumipot kasi ano naman ang irereport niya sa taumbayan? Wala. Siguro kung gaano kalambot kapag pinisil ang nunal niya.
Hindi ako galit kay GMA. Namumuhi lang.
At bilang isang mulat na tao, lalahok ako sa mga kampanya mamaya laban sa panunungkulan niya. Pero wala pa akong maisusuot na bagong damit, baka mag-shopping muna.
That’s all, rak en rol. Bow.
1-800-BORING
Iko: kung pwede lang sanang pigilin ang Lunes ginawa ko na. Actually Lunes na.
Kausap: anong masama sa Lunes?
Iko:hindi masama. Walang masama sa Lunes, pero paulit-ulit na lang
Kausap:ngek
Iko:ngek, Lunes na naman, ganun. Next week, Lunes ulit.
Kausap: wala ka nang magagawa,
Iko: basta Linggo pa rin kahit Lunes na
Kausap: gusto mo ng Linggo hindi ka naman nagsisimba
Iko: kapag Linggo matagal ang paglipas ng oras.
Kausap: boring ka, leche
***
walang nangyari ngayong wikend. walang happening. paborito ko pa naman dati ang wikends kasi linggo-linggo may bagong nangyayari, yung tipong it will change your life forever.
ngumangawa lang ako buong Sunday afternoon, pano ang lungkot. Pinilit kong mag-isip ng beautiful things in life (flowers, rainbows, cakes, ribbons, picnics etc) pero wala talaga.
oh enough of this shit*. i realized kailangan din palang matulog, akalain nyo yun.
*kung ano ano na lang sinasabi para lang may maipost. sorry, wala akong maisipin na profound na pwedeng sabihin kagaya ng mga blogs ng iba. pakker.